Advisories

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT PO MULA SA FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT PO MULA SA FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

FDA REGULATORY FAIR SA AUG 17 NA

Gaganapin ang unang Food and Drug Administration o FDA regulatory at Advocacy Fair mula August 17-18 sa Philippine International Convention Center o PICC sa Pasay City.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika 54th anniversary ng ahensya.

Ina anyayaan ng FDA ang publiko na bisitahin ang FAIR na magpapakita ng mga mahahalagang gawain ng FDA at Regulatory Enforcement Unit nito. Ito ay libre para sa lahat ng gustong bumisita.

Ayon Kay FDA Director General Nela Charade Puno, layunin ng FAIR na i promote at ipaalam sa publiko ang mga gawain ng FDA at ng mga nasasakupan nito upang siguraduhing ligtas at mabisa ang mga pagkain, gamot, cosmetics at medical equipments na ginagamit ng bawat Pilipino.

Idinagdag pa ni Puno na nais ng FDA na makatulong ang publiko at mga nasasakupan nitong mga kumpanya upang mas maging maayos at mabilis ang serbisyo ng ahensya sa publiko.

Ibat-ibang FDA stakeholder industry associations ang magpapakita sa Fair ng kanilang mga gawain kung paano nakatulong ang FDA sa kanilang mga produkto at kung paano pa ito napahusay sa tulong ng FDA.

Habang ginaganap ang Regulatory Fair ng FDA, maari ding malaman doon ng mga naghain ng online application sa FDA ang estado o status nito.

Kasabay din ng Fair ay isasagawa ang isang Qualified Personnel for Industry Regulatory Affairs (QPIRA) Training sessions upang maturuan sila ng mga tamang regulatory procedures ng FDA

 

Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=488342194863871&id=390016341363124

 

 

Share Us on

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to Twitter