Cosmetic Advisories

FDA Advisory No. 2017-290-A || Paalala sa Publiko sa Pagbili at Paggamit ng mga Produktong Laruan Maaring Magdulot ng Kapahamakan sa Kalusugan

FDA Advisory No. 2017-290-A 

Paalala sa Publiko sa Pagbili at Paggamit ng mga Produktong Laruan Maaring Magdulot ng Kapahamakan sa Kalusugan

Pinapayuhan ng Food and Drug Administration o FDA ang publiko na maging maingat at mapanuri sa pagbili at paggamit ng mga produktong laruan na maaring magdulot ng kapahamakan sa kalusugan.

Ang Fidget spinner ay laruan na binebenta bilang pantanggal ng stress at pantulong sa konsentrasyon. Ito ay naging popular para sa mga bata na may ADHD, autism, anxiety at stress (Patel, 2017). Ngunit sa ngayon, wala pang pag-aaral tungkol sa bisa o kaligtasan nito. Sa katunayan, ang US Consumer Product Safety Commission ay nagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa mga insidente kung saan ang mga biktima ay nabulunan. Ayon sa isang ulat, isang 10-taong gulang na babae mula sa Texas, USA ang aksidenteng nakalunok ng isa sa mga bearings ng fidget spinner na bumara sa kanyang lalamunan. Kinailangang operahan ang bata para matanggal ang nasabing parte ng laruan. Kaparehong insidente ang nangyari sa isang 5-taong gulang na batang lalake sa Oregon (Pelletiere, 2017).

Ang Australian Department of Mines, Industry Regulation and Safety ay naglunsad ng imbestigasyon tungkol sa iba’t ibang ulat ng kapahamakan mula sa ibang modelo ng fidget spinner na mayroong button batteries. Ayon kay Mr. David Hillyard, acting commissioner ng Consumer Protection sa Australia, ang pangunahing isyu ay ang pagkakaroon ng maliliit na parte ng fidget spinners, at mas ikinababahala ang pagkakaroon nito ng button batteries na madaling malunok ng mga bata.
Karamihan ng toy suppliers at retailers sa nasabing bansa na ang boluntaryong nagtanggal at nagpatigil ng distribusyon ng produkto sa merkado (Department of Mines, Industry Regulation and Safety, 2017).
Sa Ireland, nagsagawa ng recall ng 200,000 fidget spinners para sa safety review at ilan ang napatunayan na hindi sumusunod o non-compliant sa batas. (Duffy, 2017)
Dahil sa mga insidenteng ito, ang EcoWaste Coalition, isang organisasyon dito sa Pilipinas, ang nagbigay ng babala sa potensyal na kapahamakang dala ng fidget spinners. Ayon kay Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste Coalition, isang kompanya lamang ang may awtoridad para magbenta ng mga nasabing laruan. Ito ay nakakabahala dahil madaling mabili sa bangketa, malls, at online sa pinaka-mababang halaga na 20 pesos (Sabillo, 2017).
Tinatawagan namin ng pansin ang mga magulang na maging maingat at subaybayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng laruang Fidget Spinner. Kung may naranasang kakaiba sa produktong nabanggit, maaring ipagbigay-alam ito o idulog sa FDA sa pamamagitan ng mga sumusunod:

a FDA e-report sa website

Maaring ipadala sa FDA gamit ang e-Report tulad ng ipinapakita sa mga larawan:
Larawan 2. e-Report Section of the FDA Website
Larawan 3. Filled-up e-Report Form

b. Magpadala ng email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
c. Tumawag sa FDA sa numerong (02) 857-1900

Higit pa rito, ang publiko ay hinihikayat upang makiisa sa FDA sa pagsubaybay sa anumang kahina-hinalang aktibidad o pagbenta ng kahina-hinalang mga produktong laruan sa pamilihan. Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan, maaaring bisitahin ang FDA website, i-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa mga numerong ibinigay sa itaas.

 

 

Share Us on

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to Twitter