Share this Post!

Pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistadong mga gamot na:

  1. Agua Oxigenada F.E.U. XIV-10 Vols 120mL
  2. Agua Oxigenada F.E.U. XIV-10 Vols 60mL
  3. Jspher Lyn’s Marketing Aciete De Manzanilla 25mL.
  4. Extra Strength Methyl Salicylate Camphor + Menthol (Efficasient Oil Liniment) 25mL
  5. Tincture of Benzalkonium Chloride 25m1
  6. Jspher Pure Acetone 25mL.
  7. New Improved Bio-Magsoncent Liniment Oil 120 mL
  8. Magson Herbal Oil 120 mL
  9. Kris Haplas Herbal Oil 60 mL
  10. Extra Strength (Superscent Oil) 50mL.

Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng FDA na ang mga nasabing gamot ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon o pag-eeksamin ng Ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration (CPR). Gayundin, ang kani-kanilang taga-gawa at taga-pamahagi ay hindi lisensyado sa FDA. Samakatuwid, hindi masisiguro ng Ahensya ang kalidad at kaligtasan nito. Ang nasabing iligal na mga produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit nito.

Alinsunod sa Republic Act No. 9711, o ang Food and Drug Administration Act of 2009, ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon, pagpapatalastas o sponsorship ng produktong pangkalusugan nang walang kaukulang awtorisasyon mula sa FDA ay ipinagbabawal.

Ang publiko ay pinapaalalahanang huwag bumili ng mga nasabing iligal na produkto at maging maingat laban sa mga ito. Ugaliing tingnan kung ang mga gamot ay rehistrado sa FDA bago bilhin, sa pamamagitan ng paggamit ng Search feature ng FDA website sa www.fda.gov.ph. Maaari ring tingnan ang FDA Registration number sa label ng produkto.

Ang lahat ng establisyamento at/a entidad ay binabalaang huwag mamahagi ng nasabing iligal na produkto hanggang sa ito ay mabigyan ng kaukulang awtorisasyon, sapagkat kaukulang parusa ay mahigpit na ipatutupad.

Hinihiling sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyaking ang mga produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring mag-email sa [email protected] Upang mag-report ng patuloy na pagtitinda o pangangalakal ng mga pekeng gamot, mag-email sa [email protected], o mag-report gamit ang aming online reporting facility, eReport, sa www.fda.gov.ph/ereport. Maaari ring tumawag sa Center for Drug Regulation and Research (CDRR) sa numerong (02) 8809-5596. Para sa mga hinihinalang hindi kanais-nais na reaksyon sa gamot, i-report agad sa FDA gamit ang link na ito: https://primaryreporting.who-umc.org/Reporting/Reporter?OrganizationID=PH at kumpletuhin ang mga kinakailangang impormasyon.

Ang lahat ay hinihikayat na palaganapin ang mga nakasaad na impormasyon

Attachment:-> FDA Advisory No.2020-179-A