FDA Advisory No. 2020-451-A || FDA EMAIL HOTLINE PARA SA MGA SUMBONG SA PRODUKTO NA MAY KINALAMAN SA COVID-19

Ang Food and Drug Administration (FDA) ay patuloy na nagbibigay serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng pagtiyak ng kaligtasan, kalidad, at pagiging epektibo ng mga produktong pangkalusugan tulad ng pagkain, gamot, kosmetiko, at medical devices sa kabila ng banta ng COVID-19.

Bilang sagot sa dumaraming sumbong ng mataas na pagpresyo, labis na pagiimbak (hoarding), at paglaganap ng mga hindi rehistrado, peke, at mababang kalidad na produkto sa merkado, ang FDA hotline na [email protected]  ay bukas upang tumanggap at tumugon sa mga sumbong mula sa publiko.

Maari kayong mag-report sa hotline kung may nakitang:

  1. Pagbebenta (online man o pisikal) ng mga hindi rehistradong produktong pagkalusugan;
  2. Masyadong mataas na presyo na mga gamot at gamit medical;
  3. Hinihinalang peke at mababang kalidad na produktong pangkalusugan;
  4. Kaduda-dudang kaligtasan ng pagkain at gamot; at
  5. Iba pang mga katulad na sumbong

Maari kayong maglagay ng detalye at impormasyon tulad ng pinanggalingan ng produkto, pangalan ng produkto, naranasang epekto, manufacturer, code, numero, o petsa na makikita sa balot ng produkto upang mas mapabilis ang pagresponde sa inyong mga sumbong.

Ang mga report rid ito ay makakatulong upang mapanatili ng FDA ang pag-aksyon sa mga isyu na may kinalaman sa mga banta laban sa kalusugan ng publiko.

Attachment:-> FDA Advisory No.2020-451-A

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com