Share this Post!

Idinaos noong Nobyembre 4-5, 2023 ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BSPF) sa Sta. Cruz, Laguna sa pangunguna ni Presidential Special Assistant Antonio Lagdameo Jr. at Laguna Governor Ramil L. Hernandez.

Pangunahing layunin ng “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” ang mailapit sa mga mamamayan ang iba’t ibang serbisyo-publiko na may kaugnayan sa kalusugan, pananalapi, trabaho, edukasyon at iba pa. Nilalayon ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BSPF) na lumikha ng isang komprehensibong one-stop-service center upang mapadali ang proseso ng mga transaksyon ng ating mga kababayan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Nagkaroon ng booth ang FDA upang makapag-follow-up, inquire at kumuha ng kanilang mga LTO certificates ang mga kababayan nating negosyate. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng direktang access ang mga kababayan natin sa FDA representatives upang magkaroon ng malinaw na proseso sa pagkuha ng mga LTO.

Ang isa sa mga highlight ng programa ay ang pagbibigay ng Food and Drug Administration (FDA) ng License to Operate (LTO) sa tatlong napiling mga benepisyaryo dahil sa kanilang pagsisikap na matugunan ang regulasyon ng ahensiya. Si Socrates Gomez mula sa SOGOMI Corp., si Lyzie Myrtle Virtucio ng Ate Lucy’s Lambanog, at si Joan Babilonia ng Glowing Beauty and Wellness Products Trading ay ang mga nabigyan ng LTO ni Ms. Maria Luisa L. Sagun, Regional Supervisor for South Luzon Cluster ng FDA. Ang ceremonial-turnover ng mga nasabing LTO ay nagpapakita ng kanilang pagsunod sa regulasyon para sa kanilang mga negosyo.

Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay isang halimbawa ng pagsisikap ng FDA at iba pang ahensiya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan, at ang pagsunod sa mga patakaran habang aktwal na kumakatawan sa mas malawak na inisyatiba ng pamahalaan na magbigay serbisyo publiko para sa mga mamamayan. Ang ganitong programa ay halimbawa ng pagkakaisa ng FDA at ng Office of the President upang mapalawak ang transparency sa paghahatid ng mga serbisyo ng pamahalaan sa mga Pilipino.

#BPSF #FDAPhilippines #Educate #Regulate #Monitor

See more:-> https://bit.ly/3um7l4H