Noong Oktubre 25, pinangunahan ng Food and Drug Administration ang pagdiriwang ng Consumer Welfare Month sa Pasig City. Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Pasig City, nagsagawa ng munting programa na may titulong “Making Informed Decision : Guide to Health Product Safety” ang mga kinatawan ng FDA sa pangunguna ni Dr. Irene V. Florentino-Fariňas. Nagbigay ng maikli at klarong pagbahahagi ng kaalaman sa Food Safety : Reading Food Product Label, Toys and Cosmetic Safety : Ensuring Safe Toys for Kinds and Cosmetic Products for Consumers at Drug Safety : A Guide to Safe, Effective, and Good Quality Medicines ang mga piling kinatawan ng Policy and Planning Service (PPS) at Center for Cosmetics and Household Urban Hazardous Substances Regulation and Research (CCHUHSRR) upang makatulong sa gagawing desisyon ng pagbili at paggamit ng mga produktong pangkalusugan ang mga kalahok sa nasabing pagtitipon.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa Republic Act 7394 (The Consumer Act of the Philippines), nagtakda ng kalipunan ng mga patakarang nagbibigay proteksyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili, at Presidential Proclamation No. 1098, nagtakda sa buwan ng Oktubre bilang Consumer Welfare Month ng bawat taon.
Ang FDA ay binigyan ng mandato na siguraduhin na ligtas, epektibo, dalisay, at dekalidad ang mga produktong pangkalusugan para sa mga mamamayan. Patuloy na makikipagtulungan ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang makapagbigay ng sapat na kaalaman sa publiko upang isulong ang mandato nito.
#ConsumerWelfareMonth2023 #FDA #Educate #Regulate #Monitor
See more:-> https://bit.ly/3FEU3CN