Share this Post!

Sa pangunguna ng Food and Drug Administration (FDA) at pakikipagtulungan ng Quezon City Government. Tayo ay nakapaglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ng Bigyang-halaga Bangon MSME’s (BBMSMEs) sa nasabing lungsod na naglalayong magabayan natin ang mga MSME’s sa kanilang registration process at pag-comply sa mga regulasyon na ipinatutupad ng FDA.

Ang ceremonial signing na ito ay ginanap noong Biyernes, ika-14 ng Abril 2023, ito dinaluhan nina FDA Director General Samuel Zacate, Mayor Joy Belmonte, FDA Deputy Director General Dr. Oscar Gutierrez Jr, FDA MSMEs Committee Chairman Atty. Emilio Polig, Councilor Candy Medina, at QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office head Mona Yap.

Kabilang sa kasunduang ito ang pagbibigay ng gabay at tulong teknikal tungkol sa regulatory compliance, product registration, at iba pang topics para sa MSMEs.

#BBMSMEs #FDAPhilippines #Educate #Regulate #Monitor

See more>> https://bit.ly/3onTwzG