Share this Post!
Ginanap ang pang labing tatlong (13th) Lab 4 All sa Tagaytay International Convention Center, Tagaytay, Cavite nitong ikaw-10 araw ng Oktubre 2023 sa pangunguna ng Unang Ginang Liza Araneta-Marcos upang magbigay ng libreng serbisyong dental at medikal sa mga mamamayan ng Cavite.
Walang sawang nakikiisa ang Food and Drug Administration (FDA) sa pamumuno ni Director General Samuel Zacate sa programa at adbokasiya ng Unang Ginang Liza Marcos na Lab 4 All. Sa pagbati ni DG Zacate, kanyang binanggit na nakikipag-ugnayan ang FDA sa lokal na pamahalaan ng Cavite upang matulungan at mabigyan ng oportunidad ang mga Micro, Small, Medium, Enterprises (MSMEs) sa nasabing lalawigan.
Nag bigay rin ng kanilang mga pagbati at taos pusong suporta sa programang Lab 4 All ang mga iba’t-ibang kinatawan mula sa pamahalaan at pribadong sektor tulad nila: Cavite Governor Jonvic Remulla, Mr. Paolo Borromeo (Private Sector Advisory Council on Healthcare), Dr. Jesus Randy Rivera (End Cervical Cancer PH), Mr. Lester Toribio (Lucio Tan Group and Jaime V. Ongpin Foundation Inc.), Mr. Anthony Almeda (National Grid Corporation of the Philippines), Usec. Deogracias Victor Savellano (Department of Agriculture), Chairman J. Prospero De Vera III (Commission on Higher Education), Secretary Suharto T. Mangudadatu, Ph.D. (Technical Education and Skills Development Authority) at Secretary Teodoro Herbosa (Department of Health).
Alinsunod sa mandato ng ahensya na panatilihing ligtas, epektibo, at dekalidad ang mga gamot at mga produktong pangkalusugan para sa mga mamamayang Pilipino, ang FDA ay patuloy na nagbibigay ng suporta at tulong sa mga programang pangkalusugan ng administrasyong Marcos Jr.
#Lab4All #FDA #FDAPhilippines #Educate #Regulate #Monitor
See more:-> https://bit.ly/3M1o837