Share this Post!

Nito lamang Setyembre 20, higit 100 na mga Barangay Health Workers at Midwives sa Cainta, Rizal ang dumalo at nakiisa sa pagpapatuloy ng Generic Drugs Month advocacy ng Food and Drug Administration – Policy Planning Service (FDA-PPS).

Ang aktibidad ay pagtupad sa nakasaad sa Republic Act 6675 o Generics Act of 1998 at pagsunod sa direktiba ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Dr. Samuel A. Zacate na Educate, Regulate, and Monitor.

Ipinahayag ni Dr. Selma Valderama, Medical Officer IV ng Cainta Municipal Health Office, ang kanyang pasasalamat sa FDA sa pagsisiguro na makakukuha ng mura at mabisa na generics na gamot ang mga Pilipino. Kanya ring dinagdag ang kahalagahan ng aksesableng gamot sa pagsasakatuparan ng Universal Health Care.

#GenericsAwarenessMonth #FDA #FDAPhilippines #Educate #Regulate #Monitor

 

See more:-> https://bit.ly/3EWw0iu