Food and Drug Administration, Naaprubahan na ang Certificate of Product Registration (CPR) ng COVID-19 Vaccine Tozinameran + Famtozinameran (15 mcg/15 mcg)/0.3 mL Dispersion para sa Booster Injection (IM) ng mga batang 12-taong gulang pataas.
Isinagawa ngayong ika-30 ng Hunyo, 2023 ang “Press Conference” ukol sa paglalabas ng Certificate of Product Registration (CPR) for COVID-19 Vaccine Tozinameran + Famtozinameran (15 mcg/15 mcg)/0.3 mL Dispersion for Injection (IM) o “Bivalent Vaccine”.
Pinangunahan ni Food and Drug Administration Director General Dr. Samuel A. Zacate ang hanay ng mga panelists na sumagot sa mga katanungan ng mga mamahayag galing sa iba’t ibang media outlets sa bansa. Kabilang sa mga nasabing panelists ay sila Direktor Jesusa Joyce N. Cirunay, RPh ng Center for Drug Regulation and Research (CDRR), Atty. Emilio L. Polig, Jr, Direktor ng Legal Services Support Center (LSSC), at Director Jocelyn E. Balderrama, RPh, MBA ng Common Services Laboratory (CSL).
Ang “Press Conference” na ito ay idinaos ng Food and Drug Administration na may pangunahing layunin na magbigay ng kaalaman at malinaw na pag-unawa sa naging pagsusuri at pag-apruba ng nasabing Bivalent Vaccine.
Binigyang diin ng mga panelists na ang nasabing vaccine ay mayroong karampatang CPR na dumaan sa masusing pagsusuri at matinding pag-aaral ng FDA upang siguraduhin ang kaligtasan, bisa, at kalidad ng nasabing bakuna para sa pangkalahatang publiko. Pinaalalahanan din ng FDA ang mga mamamayan na tangkilikin at siguraduhing bumili ng bakuna sa mga lisensyadong botika lamang.
See more:-> https://bit.ly/44XtZOx