Share this Post!

Noong ika-8 ng Agosto, 2023 ay nakiisa ang Food and Drug Administration (FDA) sa pangunguna ni Dr. Samuel A. Zacate sa paglulunsad ng LAB for ALL Caravan sa Balanga, Bataan kasama si First Lady Marie Louise “Liza’ Araneta-Marcos at iba pang National Government Agencies (NGAs).

Ang LAB for ALL : Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat ay programa ng First Lady upang magbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan tulad ng pamamahagi ng mga gamot at konsultasyon.

Matagumpay na naidaos ang programang LAB for ALL sa Bataan kaagapay ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Bataan Governor Jose Enrique “Joet” Garcia III at ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno katulad ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Interior and Local Government (DILG), Technical Education and Skills Development (TESDA), Commission on Higher Education (CHED), at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa nasabing okasyon ay ipinakilala ni FDA Director General Dr. Samuel A. Zacate ang proyektong “Bigyang-Halaga, Bangon MSMEs (BBMSMEs)” na naglalayong palakasin, hikayatin, paunlarin, at patuloy na suportahan ang mga Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMEs) sa buong bansa.

Ang FDA ay patuloy na sumusuporta sa mga programang pangkalusugan at MSMEs ng administrasyong Marcos alinsunod sa mandato ng ahensya na siguraduhing ligtas, epektibo at dekalidad ang mga produktong pangkalusugan upang mapangalagaan at itaguyod ang karapatan sa kalusugan ng mga Pilipino.

#FDAPhilippines #FDA #Educate #Regulate #Monitor

 

See more:-> https://bit.ly/3OTnPsS