Share this Post!

Ang Food and Drug Administration (FDA), sa pamumuno ni Director General Dr. Samuel A. Zacate, ay nakiisa sa paglulunsad ng LAB for ALL ng Unang Ginang Liza Araneta Marcos sa Centennial Arena, Laoag City, Ilocos Norte na ginanap nitong Setyembre 12, 2023.

Ibinahagi ni DG Zacate ang kanyang kaalaman, karanasan at supporta para sa programang LAB for ALL. Tiniyak ni DG Zacate ang importansya ng pangangalaga sa kaligtasan, kalidad, at epekto ng lahat ng pagkain, gamot, at kagamitang medikal para sa kapakinabangan ng pangkalahatang publiko.

Maliban sa Food and Drug Administration, kasama rin sa paglulunsad ng LAB for ALL ang iba pang mga ahensya ng gobyerno tulad ng DSWD, DA, TESDA, DOH, PhilHealth, at lokal na pamahalaang lungsod ng Laoag. Nakibahagi rin ang ilang kinatawan mula sa sektor ng publiko kasama ang ilang mga kasosyo mula sa pribadong sektor na may layuning magbigay ng dekalidad na mga serbisyong pangkalusugan.

Sa ilalim ng adbokasiya ng Unang Ginang Louise Araneta-Marcos, ang LAB for ALL ay isang kolaborasyon na naglalayong magbigay ng mga pangunahing serbisyo mula sa pampubliko at pribadong sektor upang patibayin ang kanilang pangako na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kalusugan at edukasyon. Ito ay isang araw na puno ng pag-asa, inspirasyon, at isang magkatuwang na pangarap para sa mas maunlad, malusog, at masaganang Bagong Pilipinas

#FDA #Educate #Regulate #Monitor

See more:-> https://bit.ly/469dbnN