Ang Food and Drug Administration (FDA) sa pamumuno ni Director General Dr. Samuel A. Zacate, ay nakiisa sa adbokasiya at programang LAB for ALL ng Unang Ginang Liza Araneta Marcos na ginanap sa Victory Coliseum, San Rafael, Bulacan noong Setyembre 19, 2023.
Muling ibinahagi ni Director General Dr. Samuel A. Zacate ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanyang buong suporta at kaalaman sa naturang programa. Ginagarantiya ng FDA ang kaligtasan, kalidad ng gamot, mga kagamitan at produktong pang medikal para sa nasabing programa. Ibinahagi din ng FDA ang importansya at kahalagahan ng kanilang mandato na siguraduhing ligtas, epektibo at dekalidad ang mga produktong ginagamit ng mga mamamayan. Nabanggit din ni Director General Dr. Samuel A. Zacate ang programa ng FDA na naglalayon na magbigay gabay at oportunidad sa mga MSMEs sa pamamagitan ng programa nitong BBMSME.
Kabilang din sa mga dumalo sa LAB for ALL – Bulacan ang mga opisyales at personalidad mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare (DSWD), Commission on Higher Education (CHED) Department of Interior and Local Government (DILG), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at lokal na pamahalaan ng Bulacan sa pangunguna ni Mayor Mark Cholo Violago at Bulacan Vice Governor Alexis Castro at ng mga iba’t-ibang pribadong sektor ng San Rafael, Bulacan.
Patuloy na susuporta at tutulong ang FDA sa mga programang pangkalusugan ng administrasyong Marcos Jr. alinsunod sa mandato nito na panatilihing ligtas, mabisa at dekalidad ang mga produktong pangkalusugan para sa mamamayang Pilipino.
#FDA #Educate #Regulate #Monitor
See more:-> https://bit.ly/46owBFr