Mainit na tinanggap ng University of Perpetual Help System Laguna-Jonelta (UPHSL) ang advocacy activity ng Food and Drug Administration (FDA) para sa selebrasyon ng Generics Month noong Biyernes. Setyembre 15. Mahigit 200 na estudyante and faculty ang dumalo at nakilahok sa nasabing pagtitipon.
Malugod na tinanggap ni Dean Anna Malalay ng UPHSL College of Pharmacy ang grupo ng mga kawani at mga opisval ng FDA. Si Director Irene V. Florentino-Farinas ng FDA – Policy and Planning Service ang nagtalakay ng ilang probisyon ng Generics Act of 1988 at ang pagkakaiba ng mga generics na gamot kumpara sa mga branded na gamot.
Layunin ng advocacy activity ang magbigay kaalaman sa madla patungkol sa kahalagahan ng generics na gamot at linawin ang mga haka-haka ukol dito. Ito rin ay alinsunod sa Republic Act No. 6675 o Generics Act of 1988 na nag-aatas sa Department of Health, (DOH) na magsagawa ng iba’t ibang aktibidad upang ipalaganap ang impormasyon ukol sa mga generic na gamot.
Bilang pagpapatupad ng mga direktiba ni FDA Director General Dr. Samuel A. Zacate na Educate, Regulate and Monitor, magpapatuloy ang advocacy activity ukol sa Generics sa iba pang mga unibersidad at local government units upang mas paigtingin at palawakin ang kaalaman ng publiko sa mga dekalidad, ligtas at epektibong mga gamot.
See more:-> https://bit.ly/44ZfcSx