Share this Post!

Nagpatuloy sa University of the Philippines Manila College of Pharmacy ang adbokasiya ng FDA para sa selebrasyon ng Generic Drugs Month noong Setyembre 21.

Ito ay alinsunod sa itinakda ng Republic Act 6675 o Generics Act of 1988 at implementasyon ng direktiba ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Dr. Samuel A. Zacate na Educate, Regulate, and Monitor.

Dumalo rin ang ilang mga estudyante at propesor mula sa ibang kolehiyo at unibersidad sa National Capital Region (NCR) gaya ng University of Sto. Tomas, University of Makati, Centro Escolar University, at Emilio Aguinaldo College.

Bukod sa pagpapakilala sa FDA at sa Generic Drugs, sumentro rin ang talakayan sa mandato ng FDA sa pag siguro na ligtas, mabisa , at de kalidad ang mga gamot sa merkado. Gayundin ang tungkulin ng ahensya sa pag aambag sa primary healthcare at health information dissemination.

Ayon kay Rochel Floron IV, Information Officer II mula sa PPS, malaki ang gampanin ng mga kabataan, lalo na ang mga future pharmacists, upang masiguro na ang mga impormasyon ukol sa gamot ay mas mauunawaan ng mas maraming tao. Ito rin ay isang mabisang paraan upang patuloy na hulmahin ang primary healthcare sa bansa.

Kasabay nito, ipinaliwanag naman ni Dr. Florentino-Fariñas, Director III-Officer in Charge ng PPS, ang pagdadaos ng FDA ng mga programa at training upang bigyan ng teknikal na kakayahan at kaalaman ang mga drug manufacturers at distributors.

#FDA #Educate #Regulate #Monitor

See more:-> https://bit.ly/3rnWnLb