Noong Setyembre 22, huling binisita ng Policy Planning Service (PPS) ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sto. Tomas, Batangas upang ibahagi sa higit 100 Barangay Health Workers (BHWs) at mga opisyal ang kahalagahan ng generic drugs.
Ito ang ikaapat na lugar na binisita ng PPS ngayong buwan bilang parte ng kanilang advocacy activities upang ipagdiwang ang Generics Month alinsunod sa Republic Act 6675 o Generics Act of 1988.
Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Sto. Tomas, Batangas Mayor Arth Jhun Marasigan ang kahalagahan ng kalusugan sa kaunlaran. Aniya, ang pagkakaroon ng sapat na kalaaman tungkol sa mura at mabisang gamot gaya ng generic drugs ay makatutulong sa pagpapaunlad ng komunidad.
Ipinaalala naman ni Dr. Irene V. Florentino-Fariñas, Director III-Officer in Charge ng PPS, ang pagsunod sa Cheaper Medicines Act at Generics Act of 1988.
“The regulatory powers of FDA go straight into the heart of public health. Malawak man ang sakop ng FDA, subalit ito ay ang pinakamalapit sa tahanan ng bawat Pilipino,” ani Rochel Floron IV, Information Officer II ng PPS, sa kanyang pagpapakilala sa FDA.
Ang iba’t ibang advocacy activities ng FDA para sa Generics Month ay alinsunod sa direktiba ni FDA Director General Dr. Samuel A. Zacate na Educate, Regulate, and Monitor upang maraming tao pa ang makaalam ukol sa tulong ng generic drugs.
See more:-> https://bit.ly/3REX39D