Share this Post!

Pinangunahan ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Dr. Samuel A. Zacate at Ilocos Sur Governor Jeremias “Jerry” Singson ang naging pormal na lagdaan ng kasunduan para sa paglulunsad ng programang “Bigyang-halaga, Bangon Micro Small and Medium Enterprises (BBMSME)” na ginanap kahapon, 24 Enero 2024, sa Provincial Farmers Livelihood Development Center, Vigan, Ilocos Sur.

Ang programang BBMSME ay naglalayong tulungan ang mga MSMEs sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pagtuturo sa paghahanda ng mga dokumento at proseso sa pagsusumite ng aplikasyon para sa License to Operate (LTO) at Certificate of Product Registration (CPR). Magbibigay din ng teknikal na tulong ang mga FDA Inspectors ukol sa Good Manufacturing Practices (GMP) for Food Manufacturers. Ang nasabing pagsasanay ay ambag ng FDA upang ang mga MSMEs ay makapag negosyo ng legal at makapagbenta ng kani-kanilang mga produkto sa lokal o internasyonal na merkado ng naaayon sa regulasyon at pamantayan ng ahensya.

Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng FDA at lokal na pamahalaan ng Ilocos Sur, inaasahan na makakamit ang layunin ng Administrasyon ng Pangulong Marcos Jr. na mapagaan at mapaunlad ang buhay ng mga maliliit na mga negosyante na kabilang sa hanay ng MSMEs tungo sa Bagong Pilipinas.

#FDA #Educate #Regulate #Monitor #BagongPilipinas

See more:-> https://bit.ly/47NSUVm