Share this Post!

Pinangunahan ni Food and Drug Administration Director (FDA) General Dr. Samuel A. Zacate ang naging pormal na paglagda ng kasunduan para sa paglulunsad ng BBMSME sa Kapitolyo ng Ilocos Norte sa pagitan nina Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc, at Vice Governor Cecilia Araneta Marcos, at ni Dr. Shirley Castaneda Agrupis, Presidente ng Mariano Marcos State University.

Nakapaloob sa naturang seremonya ang paglulunsad ng programa ng FDA na BBMSME na nag lalayong bigyang kaalaman ang mga Micro, Small, Medium Enterprises sa pamamagitan ng pagdadaos ng Training on Licensing and Registration and Good Manufacturing Practice sa pakikipagtulungan ng Mariano Marcos State University.

Sa pamamagitan ng samahang ito makakamit ang layunin ng Administrasyong Marcos-Duterte na mapagaan, at ang buhay ng bawat Pilipino lalo na ang mga maliliit na negosyante na kabilang sa MSME’s.

#FDA #Educate #Regulate #Monitor

See more:-> https://bit.ly/3RgIlFE