Mahigit kumulang 1,500 Novo Ecijanos ang pumunta sa Nueva Ecija Coliseum, Palayan at nakatanggap ng serbisyo mula sa LAB for ALL.
Sa pamumuno ni Director General Dr. Samuel A. Zacate, ang Food and Drug Administration (FDA) ay muling nakiisa sa adbokasiya at programang LAB for ALL ng Unang Ginang Louise “Liza” Araneta Marcos na ginanap sa Neva Ecija Coliseum, Palayan noong ika-03 ng Oktubre 2023.
Ibinahagi ni FDA Director General Zacate ang kanyang buong suporta sa naturang programa. Tinitiyak ng FDA ang kaligtasan, bisa at kalidad ng gamot, at mga kagamitan at produktong pang medikal para sa nasabing programa. Kanya ring ibinahagi ang kahalagahan ng mandato ng FDA na siguraduhing ligtas, epektibo at dekalidad ang mga produktong ginagamit ng mga mamamayan. Nabanggit din ni Director General Zacate ang programang Bigyang-halaga, Bangon MSME (BBMSME) ng FDA na naglalayon na magbigay gabay at oportunidad sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSME’s) upang lumago at magtagumpay sa local at international market.
Bilang pakikiisa, dumalo din sa LAB for ALL – Nueva Ecija ang mga iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), mga opisyales mula sa lokal na pamahalaan ng Nueva Ecija at iba pa mula sa pribadong sektor ng Palayan, Nueva Ecija.
Patuloy na susuporta at tutulong ang ahensiya sa mga programang pangkalusugan ng administrasyong Marcos Jr. alinsunod sa mandato nito na panatilihing ligtas, mabisa at dekalidad ang mga produktong pangkalusugan para sa mamamayang Pilipino. “LAB FOR ALL – Lingap at Alagang Bayanihan.”
See more:-> https://bit.ly/3Q5Any0