Share this Post!

Sa pamumuno ni Director General Dr. Samuel A. Zacate, ang Food and Drug Administration (FDA) ay nakiisa sa unang LAB for ALL ngayon taon na adbokasiya at programa ng Unang Ginang Louise “Liza” Araneta Marcos. Ang LAB FOR ALL ay programa ng pamahalaan upang ilapit ang mga serbisyo publiko sa mga mamamayan tulad ng serbisyong pangkalusugan, pabahay, edukasyon, agrikultura at iba pa.

Tinatayang aabot sa 3,000 mamamayan ang pumunta sa Quezon Convention Center, Lucena City at nakatanggap ng serbisyo mula sa LAB for ALL (Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat) na ginanap noong Martes ika-09 ng Enero 2024.

Ipinahayag ni FDA Director General Zacate ang kanyang buong suporta sa naturang programa. Kanya ring ibinahagi ang kahalagahan ng mandato ng FDA na siguraduhing ligtas, epektibo at dekalidad ang mga produktong pangkalusugan para sa lahat ng mga mamamayan.

Bilang pakikiisa, dumalo din sa LAB for ALL – Lucena City, Quezon ang mga iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Commission on Higher Education (CHED), at mga opisyales mula sa lokal na pamahalaan at sa pribadong sektor ng Lucena City, Quezon.

Nananatili ang pagsuporta at pagtulong ng Food and Drug Administration sa mga programang pangkalusugan ng administrasyong Marcos Jr. alinsunod sa mandato nito batay sa Republic Act No. 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009.

“LAB FOR ALL – Lingap at Alagang Bayanihan.”

#FDA #Educate #Regulate #Monitor

See more:-> https://bit.ly/3SbFk9G