Nagsagawa ang Food and Drug Administration (FDA) ng isang Public Consultation (PubCon) para talakayin ang draft ng Administrative Order (A.O.) o ang ‘Rules and Regulations on the Issuance of Authorization for Registration Applications of Drug Products and Drug Substances by the Food and Drug Administration’ na pinangunahan ng Center for Drug Regulation and Research (CDRR) sa Crimson Hotel ngayong araw, Setyembre 7.
Ibinahagi ni Mr. Kharlo Caesar P. de Guzman, Food-Drug Regulation Officer (FDRO) III, ang legal na batayan ng nasabing A.O., gayundin ang background, preliminary regulatory impact analysis, at ang mga importanteng katangian ng naturang polisiya.
Lumahok sa naturang PubCon ang ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Health (DOH), Alliance for Patient Safety and Pharmacovigilance, Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC), at Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Dumalo rin ang iba’t ibang pharmaceutical industries sa naganap na pagpupulong, gaya ng; Philippine Pharmaceutical Manufacturers Association (PPMA), Philippine Hospital Association (PHA), Consumer Healthcare Industry Association of the Philippines, Inc. (CHAP), Philippine Drug Importers and Distributors Organization Inc. (PDIDOI), Pharmaceutical & Healthcare Association of the Philippines (PHAP), Philippine Pharmacists Association, Inc. (PPhA), Philippine Chamber of the Pharmaceutical Industry (PCPI), Philippine Association of Pharmacists in the Pharmaceutical Industry (PAPPI), at Ibarra Bio Med Intl Trading Corp.
Tinugunan ng hanay ng panelists mula sa FDA ang mga suhestiyon at komento na inilahad sa pagpupulong. Binubuo ang panelists nina Director General Samuel Zacate, CDRR Director Jesusa Joyce Cirunay, CDRR-Product Research and Standards Development Division (PRSDD) Chief Lanette Lee Querubin, Atty. Vanessa Legasto at Atty. Langley Gratuito ng Legal Services Support Center (LSSC), at Ms. Lyn Balmes mula sa Policy and Planning Service (PPS).
Ibinahagi ni FDA Director General Dr. Samuel A. Zacate ang kahalagahan sa pharmaceutical industries ng pagrebisa ng AO No, 67, s. 1989 na siyang pinagbasihan ng draft AO. Ito rin ay isang prioridad ng kasalukuyang administrasyon ng FDA bilang bahagi ng pagtulong sa industrya at ekonomiya na hindi masasakripisyo ang kaligtasan at kalidad ng mga medisina at gamot.
Sa huling bahagi ng programa ay tinalakay ang mga susunod na hakbang sa pag-apruba ng nasabing draft AO at ang mga iba pang FDA Circulars na ilalabas para sa pagpapatupad ng bagong A.O.
Layunin ng FDA na mas padaliin at mapalakas ang mga proseso ng ahensya para sa pagpaparehistro ng mga drug products at drug substances, alinsunod sa mandato ng FDA na panatilihin ang kadalisayan, siguruhing ligtas at dekalidad ang mga gamot pangkalusugan na kinokunsumo ng pangkalahatang publiko.
#FDAPhilippines #FDA #Educate #Regulate #Monitor
See more:-> https://bit.ly/3r3MkKS