Share this Post!

Naging matagumpay ang ikatlong araw ng Training on Licensing, Registration, and Good Manufacturing Practice for MSMEs ng programang “Bigyang-halaga Bangon Micro, Small, at Medium Enterprises (BBMSMEs)” na isinagawa ng Food and Drug Administration (FDA) para sa mga piling negosyante ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon City.

Ibinahagi ng mga Food-Drug Regulation Officers (FDROs) na kinabibilangan nila Food-Drug Regulation Officer II ng Regional Field Office – National Capital Region (RFO-NCR) Maricar U. Delas Alas, Maricris C. Legaspi, Sheryll A. Ferrer, Gerald B. Raquiño, Analyn M. Caguioa, Food-Drug Regulation Officer II ng Regional Field Office Region IV-B (RFO-IV B) Ephraim Joseph D. Dela Cruz at Food-Drug Regulation Officer I ng RFO-NCR, Angelia Genine E. Laoraca ang kanilang kaalaman at husay sa ASEAN-Cosmetic Good Management Practice (ASEAN-CGMP) sa mga kasali sa programa upang matiyak ang ligtas at de kalidad na cosmetic products na gagawin ng mga MSMEs.

Nagbigay naman ng kanyang pasasalamat at huling mensahe ang Policy Planning Head – Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office ng Quezon City na si Mr. Alberto Yohanon at Engr. Ana Trinidad Rivera, Director ng Center for Cosmetics, Household/Urban Hazardous Substances Regulation and Research para sa mga negosyateng naglaan ng kanilang mga oras at tinapos ang nasabing tatlong araw na pagsasanay. Adhikain ng FDA na magkaroon ng mga susunod pang training seminar para sa mga MSMEs sa ibat’t ibang lungsod ng Pilipinas.

#FDAPhilippines #EducateRegulateMonitor #BBMSMEs

See more>> https://bit.ly/3OHkiyf