Share this Post!

Binabalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng mga pekeng bersyon ng Rabipur PCEC rabies vaccine for human use.

Larawan 1. Pekeng bersyon 1 ng Rabipur® PCEC rabies vaccine for human use (Batch 3503)

Larawan 2. Pekeng bersyon 2 ng Rabipur® PCEC rabies vaccine for human use (Batch 3479)

Ayon sa pagsusuri ng FDA kasama ang Marketing Authorization Holder, GlaxoSmithKline (GSK) Philippines, Inc., ang nasabing mga produkto sa larawan 1 & 2 ay napatunayang peke.

Pekeng bersyon 1 Pekeng bersyon 2 Awtentikong produkto
Shade of gray in box label Mapusyaw Mapusyaw Mas matingkad
Font format Hindi nakalimbag sa Bold format Hindi nakalimbag sa Bold format Nakalimbag ng Bold format
QR Code Nakalimbag sa matingkad na ink Nakalimbag sa matingkad na ink Nakalimbag sa mapusyaw na ink
Label of sterile syringe and needle May nakalimbag na

“E-Mail:[email protected]

May nakalimbag na

“E-Mail:[email protected]

Walang nakalimbag na   “E-Mail:[email protected]

Larawan 3. Awtentikong produkto na Rabipur® PCEC rabies vaccine for human use

Ang mga Batch number na nakumpirma ng Marketing Authorization Holder (MAH), GlaxoSmithKline (GSK) Philippines, Inc. na pekeng bersyon ay ang mga sumusunod:

Ang lahat ng mga healthcare professional, local health center, health institution at publiko ay binabalaan tungkol sa mga nasabing mga pekeng bersyon na maaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit ng mga nito. Ang publiko, mga distributor at retailer ng mga gamot ay pinapaalalahanang bumili lamang sa mga establisyamentong lisensyado ng FDA.

Gayundin, ang lahat ng establisyamento ay binabalaang huwag magbenta nitong mga napatunayang pekeng gamot na nagtataglay ng mga nasabing katangian. Ang pag-aangkat, pagbebenta, brokering, pamamahagi at pagtataglay ng walang patunay na lehitimong transaksyon ng mga ito ay tahasang paglabag sa Republic Act No. 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009 at Republic Act No. 8203 o ang Special Law on Counterfeit Drugs, samakatuwid ay may kaukulang parusang ipapataw.

Pinapakiusap sa Bureau of Customs na harangin ang mga nasabing pekeng bersyon ng Rabipur PCEC rabies vaccine for human use sa lahat ng port of entry ng bansa.

Hinihiling sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyaking ang mga pekeng produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring mag-email sa [email protected]ov.phUpang mag-report ng patuloy na pagtitinda o pangangalakal ng mga hindi rehistradong gamot, mag-email sa [email protected], o mag-report gamit ang aming online reporting facility, eReport, sa www.fda.gov.ph/ereport. Maaari ring tumawag sa Center for Drug Regulation and Research (CDRR) sa numerong (02) 809-5596 o mag e-mail sa [email protected].  Para sa mga hinihinalang hindi kanais-nais na reaksyon sa gamot, i-report agad sa FDA gamit ang link na ito: www.fda.gov.ph/adr-report-new at kumpletuhin ang mga kinakailangang impormasyon.

Ang lahat ay hinihikayat na palaganapin ang mga nakasaad na impormasyon.

FDA Advisory No. 2019-170-A