Share this Post!

Ang Food and Drug Administration (FDA) ay mahigpit na pinapaalalahanan ang publiko na ang gamot na Dexamethasone ay isang prescription drug. Kailangan ang reseta at pagsubaybay ng isang lisensiyadong doktor sa paggamit ng gamot na ito. Mayroong mga produktong Dexamethasone na kasalukuyang nakarehistro sa FDA. Ang gamot na ito ay dapat na ipagbili lamang ng mga lisensyadong establisyemento sa mga pasyente na may reseta ng doktor. Ang pagbebenta ng hindi rehistradong Dexamethasone o pagbebenta nito sa online platforms ay mahigpit na ipinagbabawal.

Ang Dexamethasone ay isang steroid at inirereseta ng isang lisensyadong doktor base sa kondisyong medikal ng pasyente. Ang maling paggamit ng gamot na ito ay maaaring magdulot ng mga hindi mabuting epekto sa katawan tulad ng:

Ang biglaang pagtigil sa pag-inom ng gamot ay maaaring magdulot ng mga withdrawal symptoms tulad ng pagbaba ng blood pressure, shock, at coma.1

Ang lahat ay hinihikayat na ireport ang pagbebenta o paggamit ng gamot na ito na walang wastong reseta sa FDA Center for Drug Regulation and Research e-mail: cdrr.od@fda.gov.ph. Ang sinomang makaranas ng hindi mabuting epekto ng gamot o adverse reactions ay kailangang magpakonsulta agad sa doktor at ireport sa https://primaryreporting.who-umc.org/Reporting/Reporter?OrganizationID=PH. Ang lahat ng mga lalabag sa mga ito ay may kaukulang parusang naaayon sa batas.

Para sa patnubay ng lahat.

Attachment:-> FDA Advisory No.2020-1131-A