FDA Advisory No. 2020-191-A || Babala sa Publiko Tungkol sa Pagbili at Paggamit ng mga Hindi Rehistradong Gamot na:

Pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong gamot na:

  1. Hallelujah Rub Eucalyptus 25 g
  2. Yulin Zheng Gu Shui 30 ml
  3. Snow King Medicated Oil 15 ml
  4. Health Source Vitamin C Softgel 100’s

Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng FDA na ang mga nasabing gamot ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon o pag-eeksamin ng (CPR). Samakatuwid, hindi masisiguro ng Ahensya ang kalidad at kaligtasan nito. Ang nasabing iligal na mga produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit nito.

Alinsunod sa Republic Act No. 9711, o ang Food and Drug Administration Act of 2009, ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon, pagpapatalastas o sponsorship ng produktong pangkalusugan nang walang kaukulang awtorisasyon mula sa FDA ay ipinagbabawal.

Ang publiko ay pinapaalalahanang huwag bumili ng mga nasabing iligal na produkto at maging maingat laban sa mga ito. Ugaliing Ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration tingnan kung ang mga gamot ay rehistrado sa FDA bago bilhin, sa Maaari ring tingnan ang FDA Registration number sa label ng produkto. hanggang sa ito ay mabigyan ng kaukulang awtorisasyon, sapagkat kaukulang parusa ay mahigpit na ipatutupad.

Hinihiling sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyaking ang produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.

Ang lahat ng establisyamento at/o entidad ay binabalaang huwag mamahagi ng nasabing iligal na produkto

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring mag-email sa [email protected]. Upang mag-report ng patuloy na pagtitinda o pangangalakal ng mga hindi rehistradong gamot, mag-email sa [email protected], o mag-report gamit ang aming online reporting facilityeReport, sa www.fda.gov.ph/ereport. Maaari ring tumawag sa Center for Drug Regulation and Research (CDRR) sa numerong (02) 8809-5596.  Para sa mga hinihinalang hindi kanais-nais na reaksyon sa gamot, i-report agad sa FDA gamit ang link na ito: https://primaryreporting.who-umc.org/Reporting/Reporter?OrganizationID=PH at kumpletuhin ang mga kinakailangang impormasyon.

Ang lahat ay hinihikayat na palaganapin ang mga nakasaad na impormasyon

Attachment:-> FDA Advisory No.2020-191-A

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com