Share this Post!

Naipaabot sa kaalaman ng aming ahensya ang “Public Health Recommendation” na  nakalagay sa isang social media platform  na  nagsasaad na  inirerekomenda ng FDA ang naturang  produktong pangkalusugan.

Nais paalalahanan ang publiko na ang FDA ay hindi kailanman nagrerekomenda o magrerekomenda ng paggamit sa isang produktong pangkalusugan. Pinangangalagaan ng ahensya ang kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng pag-isyu ng License to Operate sa mga establisyemento  at Certificate of Product Registration/Notification sa mga produktong pangakalusugan na sumusunod sa patakaran at alituntunin ng ahensya.

Gayundin, pinaaalalahanan  ang lahat na ang hindi awtorisadong paggamit ng pangalan at logo ng  FDA ay may karampatang kaparusahan at kasong administratibo sa sinumang napatunayang lumabag batay na rin sa nakasaad sa Article 179. Ilegal na pag-gamit ng uniporme o opisyal na simbolo ng isang organisasyon ng Revised Penal Code of the Philippines na:

“x x x Ang kaparusahan na pagkakakulong sa pinakamababang panahon ay maipapataw sa sinuman na hindi wastong gumamit ng opisyal na simbolo ng isang organisasyon, uniporme o damit ng isang opisina na hindi niya kinabibilangan”

               Hinihikayat na muli ang mga konsyumer na maging mapagmatyag at maingat sa pagbili at pag-gamit ng produkong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagberipika kung ang produkto ay rehistrado o notipikado sa FDA gamit ang FDA Verification Portal (https://verification.fda.gov.ph/). Maaring ireport ang mga produktong kahinahinala at establisyementong hindi sumusunod sa alituntunin ng ahensya sa pamamagitan ng pag e-mail sa [email protected] upang maaksyunan ng ahensya.

Attachments