Share this Post!

Ngayong ika-26 ng Mayo 2023, ginaganap ang unang araw ng Trade Show ng IFEX Philippines, sa World Trade Center, Pasay City kung saan isa ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga program partners ng nasabing event.

Nagbigay ng kanyang pagbati ang Executive Director ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) na si Mr. Edward Ferreira kung saan kaniyang pinasalamatan ang FDA, pati na rin ang iba pang sektor ng pamahalaan at mga negosyanteng nakilahok sa Trade Show.

Ang IFEX ay ang pinakamalaking Trade Show sa bansa na nag-umpisa ngayong araw at magtatagal hanggang 28 ng Mayo 2023. Ang ika-labing anim na edisyon ng Trade Show na may temang, “Sharing the Love of Filipino Flavors”, ay naglalayon na mas maipakita at maibahagi ang mga natatangi at world-class na mga produktong pagkain.

#Educate #Regulate #Monitor

 

See more>> https://bit.ly/3IIng1y