Share this Post!

Sa ikalawang araw ng Training on Licensing, Registration, and Good Manufacturing Practice for MSMEs ng programang “Bigyang-halaga Bangon Micro, Small, at Medium Enterprises (BBMSMEs)” na ginanap sa Quezon City Hall High Rise Building ngayong Mayo 11, 2023, ipinagpatuloy ang pagtuturo sa mga negosyanteng bahagi ng programa ng mga Food and Drug Administration (FDA) Food Inspectors.

Ang 12 Modules ng Good Manufacturing Practice (GMP) ay mahusay at malinaw na ipinaliwanag ng mga Food-Drug Regulation Officers (FDROs) ng FDA Regional Field Office (RFO) – National Capital Region (NCR) na kinabibilangan nila Ms. Maripaz M. Perez, Ms. Gemie Rose P. Zabala at Ms. Rochel A. Francisco. Ang mga sapat na kaalaman sa GMP kabilang na ang mga dokumento, pasilidad at mga kailangang gamit sa paggawa ng mga ligtas at de kalidad na processed food products ay kanilang ibinahagi sa mga maliliit na negosyanteng kasali sa programa. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga nasabing negosyante na magtanong sa mga bagay na nais nilang malinawan upang maging handa sa gagawing inspeksyon ng mga FDA Inspectors sa kanilang pasilidad.

Nagwakas ang pangalawang araw ng pagsasanay sa pagbibigay ng mga Certificates sa mga FDA Trainors.

#FDAPhilippines #BBMSME #Educate #Regulate #Monitor

See more >> https://bit.ly/426UKxq