Share this Post!

Pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong gamot na:

  1. OTC Miconazole Nitrate Cream [as reflected in the package insert]
  2. OTC Xiguashuang Runhou Pian [as reflected in the package insert]
  3. OTC Yunnan Baiyao Qiwuji
  4. Huanglian Shangqing Pian
  5. Jin qian cao ke li 10g
  6. OTC Fufang Anfennamin Keli
  7. OTC Longzexiongdanjiaonang
  8. Ganciclovir for Injection 0.25g
  9. OTC Fuyang Keli [as reflected in the package insert]
  10. OTC Vitamin E Soft Capsules
  11. Potassium Chloride Injection 10ml:1g
  12. Fu Fang Gan Cao Suan An Zhu She Ye 2ml
  13. SPH Xinhuang Pian
  14. Fenhuangy I’an Zhusheye 2ml : 0.5g
  15. Chloramphenicol Eye Drops 8ml
  16. Front OTC Sulfur Ointment
  17. OTC Naolibao Wan
  18. OTC 21 Super-Vita Tablet 60’s
  19. Hu Gan Pian
  20. Osteoform Compound Bone Nutrition Formula 30g
  21. OTC Dezhong [as reflected in the primary and secondary packaging]
    OTC Biyankang Pian [as reflected in the package insert]
  1. Flunarizine Hydrochloride Capsules 20’s [as reflected in the package insert]
  2. Xinqin Keli yosemade
  3. Lincomycin Hydrochloride Injection 2ml:0.6g
  4. OTC Xuanmai Ganjie Keli [as reflected in the package insert]

Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng FDA na ang mga nasabing gamot ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng Ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration (CPR). Dahil dito, hindi masisiguro ng Ahensya ang kalidad, kaligtasan at bisa nito. Samakatuwid, ang paggamit ng nasabing mga iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

Alinsunod sa Republic Act No. 9711, o ang Food and Drug Administration Act of 2009, ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon, pagpapatalastas o sponsorship ng produktong pangkalusugan nang walang kaukulang awtorisasyon mula sa FDA ay ipinagbabawal.

Ang lahat ng establisyamento at/o entidad ay binabalaang huwag mamahagi ng nasabing mga iligal na produkto hanggang sa ito ay mabigyan ng kaukulang awtorisasyon. Karampatang parusa ay mahigpit na ipatutupad sa mga lalabag.

Hinihiling sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyaking ang mga produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring mag-email sa info@fda.gov.ph. Upang mag-report ng patuloy na pagtitinda o pangangalakal ng mga hindi rehistradong gamot, mag-email sa ereport@fda.gov.ph. Maaari ring tumawag sa Center for Drug Regulation and Research (CDRR) sa numerong (02) 8809-5596.  Para sa mga hinihinalang hindi kanais-nais na reaksyon sa gamot, i-report agad sa FDA gamit ang link na ito: https://primary reporting.who-umc.org/Reporting/Reporter?OrganizationID=PH at kumpletuhin ang mga kinakailangang impormasyon.

Ang lahat ay hinihikayat na palaganapin ang mga nakasaad na impormasyon.

Attachment:-> FDA Advisory No.2020-1270-A